[PROJECT] Free Consultations
- Trident Chronicles
- Nov 27, 2020
- 1 min read
Updated: Nov 29, 2020
Buhat ng kaliwa’t kanang kaganapan, naitanong mo na ba sa sarili mo kung kumusta ka na? At kung oo, kapatid, totoo bang okay ka?

Tayo, kabilang ka at ako, ay hindi naging ligtas sa iba’t ibang isipin at kaganapan nitong mga nakalipas na buwan—mula sa pagputok ng bulkang Taal, sa hindi matapos-tapos na extension ng quarantine, mga bagyong tumama sa Pilipinas, at hanggang sa mga pansarili nating laban na tayo lang mismo ang nakakaalam. May posibilidad rin na ang ilan sa mga suliranin mo ay nagsimula pa bago o pagkatapos ng lahat ng ito, kaya hayaan mong tanungin ulit kita, “Kapatid, iyong totoo, kumusta ka na?”
“Okay lang”
“Hindi ako okay”
“Yung totoo ba? Medyo, hindi ako sigurado.”
Alin man sa mga sumusunod ang sagot mo, gusto naming ipaalam sa iyo na nandito kami at hindi ka nag-iisa—handa kaming tumulong! Inilunsad ang proyektong FREE CONSULTATION hinggil sa usapin ng Mental Health upang abutin ang mga taong bumubuo sa Sintang Paaralan (PUP)—simula sa mga estudyante ng iba’t ibang kolehiyo, mga kawani ng mga departamento, at iba’t ibang sangay pa na kumukumpleto sa pamantasan. Layon ng gawain na ihatid sa bawat isa ang tulong at kaliwanagan sa ilang isyu patungkol sa Mental Health. Muli, ang FREE CONSULTATION ay bukas para sa lahat nang bumubuo sa PUP COMMUNITY at hangad namin na paunlakan mo ang paanyaya na matulungan o ‘di kaya ay malinawan ka.
Ang proyektong ito ay sinimulan sa pamumuno ng:
Lingap Diwa
JCI Makati Princess Urduja
In partnership with:
PUP Psychology Students Association
PUP Peer Facilitators Association
PUP-Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino
Trident
Comments