[NEWS] Psychology Season 2021
- Trident Chronicles
- Feb 3, 2021
- 1 min read
Pagbati at paanyaya, Volunteers/mga Sikolohista!
Ang kaabang-abang na pagdiriwang sa buwan ng Pebrero ay nandito na! Pormal na binubuksan ng mga nagtutulungang organisayon mula sa Kagawaran ng Sikolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang Psychology Season 2021 na may layuning isulong ang kahalagahan ng SIKOLOHIYANG PILIPINO!

Sa nakalipas na mga panahon, batid natin ang iniwang impluwensiya ng mga banyaga sa pagtingin natin sa ating mga sarili. Inilahad din nila ang mga samut-samot na pag-aaral hinggil sa konseptong nakasentro sa ating pagka-Pilipino. Subalit nang sumapit ang Dekada ’70, isa ang Sikolohiya sa mga disiplinang matagumpay na naipakilala ang lahing Pilipino gamit ang lente ng mga taga-loob—sa pamamagitan nang suri sa ating mga pansariling oryentasyon, pananaw, at kultura.
Kaya bunga ng ating kagustuhan na patuloy palawigin ang kabuluhan ng SikPil, matutunghayan natin ang pag-ikot PUP Psych Season 2021 sa paksang “Bukang Liwayway: Pagpapamalas ng Sikolohiyang Pilipino sa Lente ng Makabagong Panahon”.
Abangan pa sa mga susunod na araw ang karagdagang detalye hinggil sa mga palatuntunan na pangungunahan ng iba’t ibang mga organisasyon!
Aasahan namin kayo, Volunteers/ mga Sikolohista! Padayon!
Inilikha ni:
Kaye Avellano
Commentaires