top of page
Writer's pictureTrident Chronicles

[WEBINAR] AMGO: Malalimang Pagsipat sa Epekto ng Kaisipang Kolonyal sa Sikolohiyang Pilipino


Pilipinas, sa manlulupig ay ‘di ka pasisiil~

Halina, mga Sikolohista! Sama-sama nating kilalanin ang mga espesyal na tagapagsalita sa ating webinar na may paksang “AMGO: Malalimang Pagsipat sa Epekto ng Kaisipang Kolonyal sa Sikolohiyang Pilipino” na gaganapin ngayong Biyernes, ika-12 ng Pebrero, mula 3:00 hanggang 6:00 ng hapon, via Facebook Live Premiere ng ating pahina.

Ilang araw na lamang at makakasama na natin sina:



G. Mark Joseph P. Santos

Nagtapos ng Bachelor of Arts in History, cum laude (2015) at Postbaccalaureate in Teacher Education (2017) mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas; kasalukuyang niyang tinatapos ang kaniyang Master of Divinity sa Manila Theological College. Naitala sa ilalim ng pangalan ni G. Santos ang ilang artikulo na matatagpuan sa mga pang-akademikong dyornal sa Pilipinas. Matapos makapagbahagi ng kaalaman sa PUP Departamento ng Kasaysayan mula taong 2016 hanggang 2019, kasalukuyan siyang instruktor sa Departamento ng Agham Panlipunan at Humanidades ng Pamantasang Centro Escolar.


Dr. Jayson D. Petras

Nagtapos ng BA Araling Pilipino (may disiplina sa Panitikan at Sikolohiya), magna cum laude, MA Araling Pilipino (may disiplina sa Panitikan at Sikolohiya), at PhD Filipino: Pagpaplanong Pangwika sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. Naglingkod si Dr. Petras bilang kalihim at bahagi ng Lupon ng mga Kadiwa ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) taong 2012 hanggang 2019. Nakapaglathala at bahagi na rin siya ng panayam sa loob at labas ng Pilipinas hinggil sa wika, sikolohiya, at araling kultural. Sa kasalukuyan, siya ay katuwang na propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at Kawaksing Dekano para sa Pananaliksik, Malikhaing Akda, at Publikasyon ng Kolehiyo ng Arte at Literature sa UP Diliman.



Dr. Anna Cristina Tuazon

Lisensyadong clinical psychologist na nagtapos ng Masteral in Psychology at Doctorate in Clinical Psychology sa Wright Institute of Berkeley sa California USA. Ang kaniyang mga disertasyon ay tumatalakay sa ugnayan ng colonial mentality at pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan ng mga Filipino- Americans. Sa kasalukuyan, siya ay isang Associate Professor sa Kagawaran ng Sikolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman at Graduate Faculty sa ilalim ng Clinical Psychology Program. Isa rin siyang kilalang Clinical Supervisor sa UP Diliman Psychosocial Service.




Ang ating webinar ay bukas sa publiko. Maaaring magpatala gamit ang mga link na ito :

Mga estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)

Mga dadalo mula sa ibang pamantasan o organisasyon


Hayaan niyong maging katuwang natin ang isa't isa tungo sa layuning ito. Makilahok sa webinar na handog ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad, Kagawaran ng Sikolohiya na pinamagatang, "AMGO: Malalimang Pagsipat sa Epekto ng Kaisipang Kolonyal sa Sikolohiyang Pilipino" ngayong ika-12 ng Pebrero via Facebook Live Premiere. Kaisa natin ang mga dalubguro mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman at Centro Escolar University sa pagtalakay ng usaping kolonisasyon at pagsulong sa nasyonal na identidad ng Pilipinas.


Makiisa ka hindi lang sa ngalan ng Sikolohiya, kundi maging sa ngalan ng iyong pagkakakilanlan bilang Pilipino!


Ang proyektong ito ay sinimulan sa pamumuno ng:


In partnership with:








Comments


bottom of page