[WEBINAR] Mental Health in the Era of COVID-19
Updated: Nov 29, 2020
Padayon, kapatid!
Bukod sa listahan ng self-care tips na nabasa at sinunod mo nitong quarantine, ano pa ang mga ginagawa mong pamamaraan para pangalagaan ang iyong Mental Health?
Register na! Aasahan ka namin!
Ang era ng COVID-19 ay maihahalintulad natin sa pagpasok sa ‘sang makipot at madilim na kweba—bagama’t may liwanag sa dulo, mas mahalaga pa rin kung may flashlight ka!
Ito na ang pagkakataon na magkaroon nang mas maliwanag na ilaw para suungin ang pandemyang ito! Ang mga bumubuo sa PUP Community (kabilang ang mga estudyante ng iba’t ibang kolehiyo, mga kawani ng mga departamento, at iba’t ibang sangay na kumukumpleto sa pamantasan) ay inaanyayahan na maging kabahagi ng FREE WEBINAR patungkol sa “MENTAL HEALTH IN THE ERA OF COVID-19”. Sama-sama ulit tayong matuto at mag-ipon nang higit pang baterya para sa mas handa at maliwanag na ilaw habang dumadaan sa panahon ng pandemyang ito.
Ang proyektong ito ay sinimulan sa pamumuno ng:
Lingap Diwa
JCI Makati Princess Urduja
In partnership with:
PUP Psychology Students Association
PUP Peer Facilitators Association
PUP-Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino
Trident
Comments